ANG AGAD NA PAGKILOS NG ASEANAPOL SECRETARIAT

08 February 2024

calendar_today 08 February 2024
ANG AGAD NA PAGKILOS NG ASEANAPOL SECRETARIAT
Noong Pebrero 3, 2024, pinadali ng ASEANAPOL Secretariat ang kahilingan mula sa Royal Malaysia Police sa Philippine National Police na tulungan ang tatlong Indian National, mga estudyanteng medikal sa isa sa mga prestihiyosong medikal na paaralan sa Las Pi&ntil de;as, Metro Manila, Pilipinas, na diumano'y binu-bully ng mga kinilalang suspek. Direktang nakipag-ugnayan ang ASEANAPOL Secretariat kay Police Colonel Sandro Jay Tafalla ang Chief of Police ng Las Piñas Police Station na agad nagpadala ng mga pulis na operatives para imbestigahan ang insidente. Nagtamo ng iba't ibang physical Injuries ang mga biktima. Tiniyak naman ng mga pulis sa mga biktima ang kanilang tulong para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa mga suspek. Ang agarang aksyon ng ASEANAPOL Secretariat ay naaayon sa kanyang misyon, pananaw at pagpapatupad ng mga kasunduan na nilagdaan ng mga Hepe ng ASEAN National Police sa taunang Joint Communiques.
“Sama-samang Pinapanatili nating Ligtas ang Rehiyong Ito”